Tuluyan ng makakamit ang hustisya ng isang biktima ng pang-gagahasa nang matimbog ng mga otoridad ang isang pinag hahanap sa batas, ngayong Marso 19, 2025 sa Brgy. Pappat, Angadanan, Isabela.
Nahaharap ang suspek sa pitong bilang ng panggagahasa na siya ring binansagang No. 8 Regional Most Wanted Person sa Lambak ng Cagayan.
Dakong ala una ng hapon ng mahuli ito ng pinagsamang pwersa ng Angadanan PS (Lead Unit), PIU-IPPO, at PIDMU-IPPO, PIT Isabela East, RIU2 sa bisa ng Mandamiento De Aresto laban rito na inisyo nito lamang Pebrero 24, 2025 ng isang Presiding Judge of RTC, Second Judicial Region, Br. 19, Cauayan City, Isabela sa kasong nabanggit na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.
Pagkatapos ng operasyon, dinala ang suspek sa himpilan ng Angadanan para sa karagdagang kaukulang aksyon bago ito ibalik sa court of origin.