--Ads--

CAUAYAN CITY– Muling isinara ng City Tourism Office ang mga tourism spot sa Ilagan City matapos ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ) ang buong Isabela.

Matatandaan na matapos ang pagsasailalim sa Lunsod sa Enhanced Community Quarantine noong buwan ng Oktubre ay unti unting binuksan ng lokal na pamahalaan ang turismo para sa mga Ilagueno sa layunin na mapasigla at mapaangat muli ang ekonomiya.

Sa inilabas na pahayag ng lokal na pamahalaang Lunsod ng Ilagan, alinsunod sa Executive Order No. 42 na inilabas ni Gov. Rodolfo Albano III na nagsasailalim sa buong lalawigan ng Isabela sa GCQ ay minabuting pansamantalang isara ang ibat Ibang pook pasyalan maging ang mga parke sa Lunsod.

Nauna nang sinabi ni City Tourism Officer Ma. Cristina Simon na unti unti nilang binuksan ang mga tourist destination upang bigyan ng pagkakataon ang mga residente na makapag-relax at maaliw matapos ang ilang buwang depresyon dulot ng virus.

--Ads--

Muli nilang isinara ang mga tourist destination sa Ilagan City simula kahapon (December 15, 2020) upang makontrol at maiwasan ang paglabas ng mga tao.

Muling nagpaalala ang mga otoridad sa mga mamamayan na iwasan muna ang hindi mahahalagang pagtitipon at manatili sa loob ng -kanilang tahanan.