--Ads--

CAUAYAN CITY– Mahigit 300 fruit bearing trees at flowering trees tulad ng Golden Shower, mangga at Dalandan ang itinanim ng mga kawani City Environment and Natural Resources Office sa kanilang tree planting activity sa Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Mario De Guzman, City Environment and Natural Resources Officer, sinabi nito na nakiisa ang kanilang tanggapan sa ginanap na National Arbor Day sa pamamagitan ng kanilang tree planting activity.

Layunin ng nasabing hakbang na mapanatili ang mga puno sa kalunsuran pangunahin na sa mga paaralan sa lunsod .

--Ads--

Katuwang din nila sa nasabing programa ang mga opisyal ng barangay at sangguniang kabataan na nagsagawa ng tree planting activity sa Sinili Elementary School, Nabuan Elementary School at Dariuk Hills.

Ayon pa kay G. De Guzman, mahalaga ang mga ganitong aktibidad upang maibsan ang epekto ng global warming at climate change.

Ayon pa rin kay G. De Guzman, wala anyang nagaganap na Illegal logging sa Santiago City.

Kung mayroon anyang mga residenteng namumutol ng punongkahoy ay agad naman ipinapaalam ng mga opisyal ng barangay sa kanilang tanggapan na kaagad nilang natutugunan.

Ipinaalala pa ng nasabing opisyal na kinakailangan ng permit mula sa DENR sa pagputol ng kahoy.

Upang mapangalagaan ang mga punongkahoy minabuti ng tanggapan na magtanim ng mga ito sa nasasakupan ng mga paaralan.

Tinig ni CENRO Mario de Guzman ng Santiago City

Ang mga punong kahoy na itinatanim sa gilid ng mga lansangan ay naaapektuhan sa mga isinasagawang road project at road widening.