--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang tricycle driver sa Cabatuan, Isabela matapos masamsaman ng iligal na droga nang isilbi ang search warrant sa kanyang bahay.

Ang inaresto ay si Gamilo Monsayac Jr., 34-anyos at isang tricycle driver.

Isinilbi ng mga kasapi ng Cabatuan Police Station ang search warrant sa bahay ng pinaghihinalaan at nakuha ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang sachet ng hinihinala ring dahon ng marijuana at mga lighter.

Ayon naman sa pinaghihinalaan, hindi niya alam kung paano nagkaroon ng ganoong kontrabando sa kanyang bahay.

--Ads--

Aniya, bago ang isinagawang paghahalughog sa kanyang bahay ay maghapon siyang wala at tanging ang kanyang anak ang naiwan.

Giit niya na frame up lamang ang nangyari sa kanya.