--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasugatan ang isang tricycle driver sa banggaan ng motorsiklo at pickup truck sa kahabaan ng National Road na bahagi ng Purok 4, Brgy. Cabaruan, Cauayan City.

Ang biktima ay kinilalang si  Michael Ambatali, apatnapu’t isang taong gulang, tricycle driver, at residente ng Alicaocao, Cauayan City habang ang tsuper naman ng pickup truck ay si PMSg. Jomar Domingo, 38-anyos, miyembro ng PNP at residente ng Brgy. Santor, Reina Mersedes, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, base sa inisyal na pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station ay binabagtas ng motorsiklo ang pambansang lansangan na patungo sa town proper ng lunsod habang patungo naman sa bayan ng Reina Mercedes ang pickup truck.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay umagaw umano ng linya ang motorsiklo sa linya ng pickup truck dahilan upang magbanggan ang mga sangkot na behikulo.

--Ads--

Nagtamo ng sugat sa ilong at kanang pisngi ang tsuper ng motorsiklo na agad namang isinugod sa pagamutan ng mga rumespondeng kasapi ng Rescue 922 upang malapatan ng lunas.

Parehong nagtamo ng pinsala ang mga sangkot na sasakyan na dinala naman sa Cauayan City Police Station ngunit kalaunan ay naibalik din sa mga sangkot.