CAUAYAN CITY-Kahon-kahong alak ang nasabat ng mga kasapi ng Quezon Police Station sa COVID-19 checkpoint sa Barangay Maddiangat kaugnay pa rin sa ipinapatupad na liquor ban sa nasabing bayan makaraang isailalim sila sa MGCQ .
Ang suspek ay si Mito Abag, 39 anyos , isang tsuper at residente ng Diffun, Quirino.
Nagsasagawa monitoring checkpoint ang mga kasapi ng Quezon Police Station sa pangunguna ni Police Major Jesus Ventura nang mapadaan sa lugar ang isang galvanize top down sassenger Jeep na minamaneho ng suspek.
Nakumpiska ang sampung kahon ng malalaking klase ng alak mula sa sasakyan ni Abag.
Ayon sa pulisya malaking tulong sa kapulisan ang panukalang Liquor Ban upang mabawasan ang mga kaguluhan sa kanilang nasasakupan
Nagsimula noong September 8, 2020 nang isailalim sa MGCQ ang Quezon, Nueva Vizcaya.











