--Ads--

CAUAYAN CITY – patay ang isang tsuper matapos na mabangga ng isang SUV sa Barangay Malasin, San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay si Hilario Valdez, 28 anyos at residente ng Barangay Salinungan West, San Mateo, Isabela, habang ang suspek na tsuper ng SUV ay si Bernardo Mitra, 43 anyos, isang hair dresser na residente ng barangay Marasat Pequeno, San Mateo, Isabela.

Lumabas sa pagsisisyasat ng San mateo Police Station na binabagtas ng dalawang sangkot na sasakyan ang pambansang lansangan patungong kanlurang direksiyon nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nabangga ng SUV ang likurang bahagi ng matorsiklo sanhi para matumba ang tsuper nito at magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

--Ads--

Agad dinala sa ospital ang biktima subalit binawiaan ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nasa pangangalaga na ng San Mateo Police Station ang tsuper ng SUV para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.