--Ads--

Pinuna ni Senator-judge Raffy Tulfo ang House prosecution panel dahil umano sa hindi maayos na paghahanda at pagpili ng mga isinasalang na testigo sa impeachment trial.

Ayon kay Tulfo, may ilang testigo umanong inilalahad ang prosecution na hindi nakatutulong sa imbestigasyon at nauuwi lamang sa pag-aaksaya ng oras ng Senado.

Sinabi rin ng senador na dapat tiyakin ng prosecution na ang bawat testigong ihaharap ay may mahalagang impormasyon na makatutulong sa paglilitis.

Dagdag pa ni Tulfo, dapat maging mas maingat ang prosecution sa pagpili ng mga testigo at sa mga abogado nitong humaharap sa impeachment court.

--Ads--