--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) region 2 ang pamamahagi ng unang bugso ng tulong pinansyal na mula sa pambansang pamahalaan sa mga apektado ng African Swine Fever (ASF) sa lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2, sinabi niya na kahapon ay umabot sa halos 1.4 milyong piso ang kanilang naipamahagi sa 36 na backyard hog raisers sa Isabela.
Nakatanggap aniya ng 5,000ang bawat hog raisers, maliit man o malaki gayunman hindi kasali sa mabibigyan ang mga commercial hog raisers.
Ayon kay Regional Executive Director Edillo, ang nailaan na pondo sa Isabela sa unang bugso ay mahigit6 milyon at mayroon pang pangalawang bugso.
--Ads--










