--Ads--

Umalingawngaw ang putok ng baril habang dumadalo si United States President Donald Trump sa White House Correspondents’ Dinner sa Washington, D.C. nitong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas).

Ayon sa ulat, bigla na lamang narinig ang malalakas na putok na nagdulot ng matinding takot at kaguluhan sa mga bisita ng prestihiyosong black-tie event. Agad na nagsipagtago sa ilalim ng mga mesa ang mga dumalo upang makaiwas sa panganib.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad kung saan agad na pumwesto ang mga armadong tactical team sa entablado kung saan naroroon si Trump bago siya ligtas na nailikas.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, ligtas ang pangulo at walang nasaktan sa pangyayari subalit isa sa mga secret service ang napaputukan ng baril ngunit ligtas ito dahil sa suot niyang bulletproof vest.

--Ads--

Agad namang nahuli ang 31-anyos na gunman, na isang guro mula sa California.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy kung paano nakapasok ang suspek sa venue at kung mayroon ba itong kasabwat.

Hindi pa naman matukoy ngayon kung mag kaugnayan ang insidente sa giyera sa pagitan ng US at Iran.

Matapos ang insidente ay inihayag ni Trump na muling ipagpapatuloy matapos ang tatlumpung araw ang naantalang Correspondent’s dinner dahil sa insidente.