--Ads--

Pinapayagan ng United Arab Emirates (UAE) ang mga residente at turistang Kristiyano na magtungo at magsimba sa mga lisensyadong katolikong simbahan sa bansa, ngunit may mga limitasyon at patakaran na kailangang sundin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong David Sanchez, Focal Person ng Bayan Middle East, sinabi niya na bagamat may mga simbahan kung saan puwedeng magsimba ang mga Katoliko, may mga lugar din na hindi bukas sa publiko dahil ang UAE ay isang Muslim country.

Dagdag pa niya, bagamat may mga simbahan at regular na misa, hindi isinasagawa sa UAE ang tradisyunal na “Visita Iglesia”, at ang mga pagdiriwang ng Holy Week ay karaniwang nasa normal na araw lamang at hindi tulad ng malawakang selebrasyon sa Pilipinas.

Dahil dito tuloy ang trabaho ng mga OFWs sa nasabing bansa bagamat may ilang Pilipino na umaabsent para sa Holy Week.

--Ads--