--Ads--

Pinag-iingat ng National Bureau of Investigation ang publiko sa posibleng maling impormasyon kaugnay ng ulat na nakita umano si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na sakay ng yate patungo sa isang probinsya.

Ayon sa NBI, bineberipika pa nila ang naturang ulat at posible umanong layunin nito na iligaw ang mga otoridad na naghahanap sa senador.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na maaaring taktika ito upang guluhin ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad para sa posibleng pag-aresto sa kanya.

Si Dela Rosa ay umano’y wanted ng International Criminal Court (ICC) at tinukoy bilang co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa drug war killings.

--Ads--

Huling namataan ang senador sa Senado noong Mayo 14, ilang oras matapos ang tensyon sa plenaryo na tinutukoy ng ilan bilang posibleng diversion tactic para sa kanyang pag-alis.