--Ads--

Iginiit nina Senator Christopher “Bong” Go at Senator Robinhood Padilla na dapat linawin kung ano ang tinutukoy na listahan ng mga proyekto na umano’y isinumite nila sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ay matapos ihayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na may mga senador umanong nagsumite ng listahan ng infrastructure projects na may nakalaang tig-P500 milyong pondo para sa bawat mambabatas.

Ayon kay Go, hindi malinaw kung anong listahan ang tinutukoy dahil wala siyang isinumiteng listahan ng mga proyekto kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo o sa iba pang opisyal ng ahensya.

Binigyang-diin ng senador na bahagi lamang ng kanyang tungkulin ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto, lalo na kapag may mga reklamo, kahilingan, o ulat mula sa mga komunidad.

--Ads--

Samantala, nanawagan si Padilla na gawing kumpleto ang ulat kaugnay sa isyu, dahil nabanggit ang kanilang mga pangalan ngunit hindi umano naipaliwanag na ang mga proyektong tinutukoy ay para pa lamang sa posibleng pagpapalabas ng pondo sa hinaharap.