--Ads--

Isang F-35 fighter jet ng Estados Unidos ang napilitang mag-emergency landing sa isang US air base sa Gitnang Silangan matapos tamaan ng missile mula sa Iran.

Ayon kay Capt. Tim Hawkins, tagapagsalita ng US Central Command, ang fifth-generation stealth jet ay nasa isang combat mission sa himpapawid ng Iran nang mangyari ang insidente. “Ligtas na nakalapag ang eroplano at nasa maayos na kondisyon ang piloto,” dagdag ni Hawkins, at kasalukuyang iniimbestigahan ang pangyayari.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatama ang Iran ng eroplanong militar ng US mula nang magsimula ang digmaan noong huling bahagi ng Pebrero. Ang F-35, na ginagamit ng parehong US at Israel sa labanan, ay may halagang higit $100 milyon bawat isa.

Samantala, iginiit ni US Defense Secretary Pete Hegseth na “malinaw na panalo” ang kampanya laban sa Iran at aniya’y “na-flat” na ang air defenses ng Tehran.

--Ads--