Nag-anunsiyo ang US Department of Justice ng malaking pagbabago sa patakaran nito hinggil sa marijuana.
Ayon sa ahensya, agad na luluwagan ang ilang umiiral na restriksiyon at sisimulan ang proseso ng muling pag-uuri rito bilang “substance with a lower level of risk”.
Itinuturing itong isa sa pinakamalaking reporma sa polisiya sa droga sa Estados Unidos sa nakalipas na mga dekada.
Bagama’t hindi nito tuluyang ginagawang legal ang marijuana sa buong bansa, inaasahang magkakaroon ito ng malaking epekto sa industriya na tinatayang nagkakahalaga ng $47 bilyon.
Sa kasalukuyan, halos lahat ng estado sa US, maliban sa dalawa, ay pinapayagan na ang paggamit ng marijuana para sa medical use at halos kalahati naman ay legal na rin ito para sa recreational use.
Sa ilalim ng reporma, ililipat ang medical marijuana mula sa kategorya ng mga drogang itinuturing na highly addictive, tulad ng heroin, patungo sa mas mababang kategorya.
Kabilang sa mga nasa mababang kategorya “with low to moderate risk of abuse”, ilang painkillers, pati na rin ang ketamine at testosterone.











