--Ads--

Dumating na sa Cebu si United States Secretary of War Pete Hegseth upang dumalo sa pulong ng mga defense minister ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sakaya niya ang Boeing E-4B Nightwatch ng US Air Force, na kilala bilang “Doomsday Plane” dahil nagsisilbi itong airborne command center sa panahon ng matinding national emergency.

Ayon sa Department of National Defense (DND), kabilang sa mga pangunahing tatalakayin ang maritime security, partikular ang sitwasyon sa South China Sea at West Philippine Sea, gayundin ang pagpapalakas ng ugnayang pandepensa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Inaasahang makikipagpulong din si Hegseth kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. upang talakayin ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at iba pang usaping pangseguridad.

--Ads--

Nakatakdang tumagal ng dalawang araw ang pagpupulong, na magtatapos sa paglalabas ng magkasanib na pahayag ng mga delegasyon.