--Ads--

Umabot sa P17.71 trilyon ang kabuuang utang ng pambansang gobyerno hanggang katapusan ng Disyembre, na nagtala ng bagong pinakamataas sa ikatlong buwan na sunud-sunod na lumagpas sa buong-taong borrowing target ng administrasyong Marcos.

Ayon sa pinakabagong datos mula sa Bureau of the Treasury (BTr), mas mataas ito ng 10.32 porsyento kumpara sa P16.05 trilyon noong parehong panahon noong nakaraang taon.

Ani BTr sa isang pahayag, ang pagtaas ay dahil sa strategic net issuance ng government debt instruments para pondohan ang mga development program.

Muling lumagpas ang kabuuang utang sa buong-taong borrowing program na itinakda sa P17.36 trilyon.

--Ads--

Sa detalye, tumaas ang domestic borrowings sa P12.2 trilyon, habang ang external debt naman ay umabot sa P5.59 trilyon.