--Ads--
Umabot sa panibagong record na ₱18.49 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Marso dulot ng paghina ng piso at karagdagang lokal na pangungutang.
Batay sa Bureau of the Treasury, tumaas ng 1.8% o ₱328.43 bilyon ang national debt mula noong Pebrero, na pangunahing naapektuhan ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar na nagpalaki sa halaga ng mga foreign-denominated loans.
Ang domestic debt ay umakyat sa ₱12.53 trilyon dahil sa patuloy na pag-isyu ng government securities, habang ang external debt naman ay sumirit sa ₱5.95 trilyon matapos tumaas ang halaga nito dahil sa currency depreciation kahit may kaunting bayad-utang ang pamahalaan.









