--Ads--
Pumalo sa record na ₱19.61 trilyon ang kabuuang outstanding debt ng pamahalaan sa pagtatapos ng Agosto, matapos madagdagan ng ₱217.62 bilyon dahil sa pag-iisyu ng mga government securities at paghina ng piso kontra dolyar.
Ayon sa Bureau of the Treasury, tumaas ng 1.12% ang national debt mula sa ₱19.39 trilyon noong Hulyo at 10.72% naman kumpara sa ₱17.71 trilyon noong Disyembre 2025.
Sa kabuuang utang, ₱13.24 trilyon o 67.53% ang domestic debt, habang ₱6.37 trilyon naman ang external debt.
Samantala, inaasahang madaragdagan pa ang utang ng bansa sa 2027 habang plano ng pamahalaan na mangutang ng ₱1.7 trilyon para pondohan ang inaasahang budget deficit.
--Ads--









