--Ads--

Lumampas sa ₱1 trilyon ang fiscal deficit o kakulangan sa pondo ng pambansang pamahalaan hanggang katapusan ng Agosto 2026 matapos mas mabilis na lumaki ang paggasta kaysa sa kita ng gobyerno.

Batay sa datos ng Bureau of the Treasury, umabot sa ₱1.05 trilyon ang budget deficit mula Enero hanggang Agosto, mas mataas kaysa sa ₱869.2 bilyon sa kaparehong panahon noong 2025.

Tumaas sa ₱3.22 trilyon ang kabuuang kita ng pamahalaan, habang umabot naman sa ₱4.27 trilyon ang kabuuang paggasta.

Ayon sa BTr, kabilang sa nagpataas ng gastos ng gobyerno ang pondong inilaan para sa PhilHealth at mas malaking National Tax Allotment para sa mga local government units.

--Ads--