--Ads--

Bahagyang nakakabawi sa kanilang kita ang ilang van driver sa lungsod ng Santiago matapos muling bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo nitong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rolly Carabbacan, sinabi nito na malaking tulong para sa kanila ang ipinatupad na bawas-presyo sa diesel at gasolina dahil nabawasan ang kanilang arawang gastos sa pasada.

Dahil dito, mas malaki umano ang natitira sa kanilang kita matapos ibawas ang gastos sa krudo.

Sinabi rin niya na bagama’t hindi pa tuluyang nakakabawi ang kanilang hanapbuhay, nakatutulong ang sunod-sunod na oil price rollback upang mapagaan ang epekto ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang dagdag-gastos sa araw-araw.

--Ads--

Umaasa naman sila na magpapatuloy pa ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo upang mas mapabuti ang kanilang pamamasada at mapanatili ang sapat na kita para sa kanilang pamilya.