--Ads--

Niyanig ng magkasunod at magnitude 7.2 at 7.5 na lindol ang isang rehiyon sa Venezuela nitong Miyerkules ng gabi, na nagdulot ng malawakang takot at pagguho ng ilang istruktura.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS), ang unang pagyanig ay naganap sa baybaying bayan ng Moron, at sinundan agad ng mas malakas na magnitude 7.5 na lindol pagkalipas lamang ng 39 na segundo.

Dahil sa tindi ng mga pagyanig, nagtakbuhan palabas sa mga lansangan ang mga residente sa kapital na lungsod na Caracas, habang nagdulot naman ng panic ang insidente sa loob ng isang shopping center doon.

Kinumpirma ni Interior Minister Diosdado Cabello na may mga gusaling gumuho at mga bubong na nawasak dahil sa kalamidad.

--Ads--

Agad ding pinutol ang suplay ng gas sa ilang establisyimento bilang pag-iingat laban sa posibleng sunog. Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung may mga nasawi o malubhang nasaktan sa magkasunod na pagyanig.