--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang mabilis na pagtugon ng mga pamahalaang lokal at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Isabela sa pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

Dumalaw kahapon sa Isabela at Cagayan ang bise presidente at nagbigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng malawakang pagbaha.

Nagsagawa ng aerial inspection si Robredo at nakita ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga binahang residente.

Pinuri niya ang mga pinuno ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna nina Governor Rodito Albano at Vice Governor Faustino Dy III sa mabilis na pagkilos para ma-rescue at mabigyan ng tulong ang mga binahang residente.

--Ads--

Ayon kay Vice President Robredo, mas mapalad pa rin ang lalawigan ng Isabela dahil mas malala ang naitalang pinsala ng bagyong Ulysses sa Bicol region.

Sinabi niya na ang Cagayan lamang sana ang kanilang bibisitahin dahil sa naranasang matinding pagbaha subalit dahil nakita rin nila ang malawakang  pagbaha sa  Isabela ay minabuti nilang dalawin din ang lalawigan.

Nais  niyang iparamdaman sa mga mamamayan sa Isabela na nakahanda ang mga opisyal ng pambansang pamahalaan na tumugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng pagbaha.

Ang pahayag ni Vice President Leni Robredo

Unang nagtungo sa Lunsod ng Tuguegarao ang bise presidente at nagsagawa ng assessment pangunahin na sa mga barangay ng Linao East at Annafunan.

Inikutan nila ang mga lugar na naapektuhan ng pagbaha.