--Ads--

Kinuwestiyon ni Vice Mayor Atty. Harold Respicio ng Reina Mercedes kung sulit ba ang loyalty at mga sakripisyong ginagawa ng mga barangay officials para sa kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang pahayag, hinimok ni Vice Mayor Atty. Respicio ang mga barangay captain at miyembro ng konseho na gamitin ang kanilang sariling pagpapasya at pag-isipan ang maaaring maging epekto sa kanila ng kanilang mga desisyon.

Aniya, bagama’t sinasabing wala namang direktang nakukuhang pera ang ilang barangay officials mula sa budget ng LGU, dapat pa rin nilang timbangin kung sulit ang kanilang ginagawa, lalo na kung maaari silang humarap sa mga kaso.

Binigyang-diin din ng bise alkalde na maaaring magbago ang sitwasyon matapos ang termino ng kasalukuyang alkalde, kaya dapat ding tingnan ng mga barangay officials ang kanilang magiging kalagayan pagkatapos nito.

--Ads--

Ayon kay Vice Mayor Atty. Respicio, ang kapangyarihan ng kasalukuyang administrasyon ay hanggang sa kasalukuyang termino lamang, kaya dapat umanong gamitin ng mga barangay officials ang kanilang sariling pag-iisip sa pagdedesisyon, anuman ang partidong kanilang kinabibilangan.

Hinimok din niya ang mga ito na isaalang-alang ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan, kabilang ang mga magsasaka sa bayan.