--Ads--

Tatalakayin muna ng mga senador ang usapin sa voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago magpasya kung ito ay idadaan sa botohan.

Ayon kay Senate President pro tempore Tito Sotto III, magco-caucus ang mga senador upang pag-usapan kung ang pagbabago sa voting threshold ay pagdedesisyunan ng buong Impeachment Court o ipauubaya kay Presiding Officer Chiz Escudero.

Sinabi naman ni Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito na posibleng sa Lunes, Setyembre 21, isagawa ang caucus.

Ito ay bago ang oral arguments sa Setyembre 23, na susundan ng botohan sa usapin ng voting threshold na gagamitin ng impeachment court.

--Ads--

Samantala, sinabi ni Senator Erwin Tulfo na nais muna niyang marinig ang opinyon ng kaniyang mga kasamahan bago magpasya kung dapat bang baguhin ang threshold at kung kinakailangan itong idaan sa botohan.

Ayon kay Tulfo, may mga senador na nais ibaba ang voting threshold, habang ang iba naman ay nais panatilihin sa 16 votes ang kinakailangang boto para sa conviction ni VP Sara.