Hiniling ni Vice President Sara Duterte sa Senado na sagutin ang gastusin para sa pagkain, inumin, at catering services ng kanyang defense team, support personnel, at mga testigong lalahok sa kanyang impeachment trial.
Sa liham na may petsang Hulyo 7, 2026 na ipinadala kay Senate President Sherwin Gatchalian, inilatag ni Duterte ang mga kaayusang nais niyang ipatupad habang isinasagawa ang paglilitis.
Kabilang sa kanyang mga kahilingan na ang lahat ng pagkain at inumin para sa kanyang kampo ay ihain lamang sa nakatalagang holding room at manggaling sa caterer na akreditado ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay Duterte, layunin nitong matugunan ang mga usaping pangseguridad at matiyak ang kaligtasan ng kanyang defense team, support personnel, at mga testigo.
Hiniling din ng Bise Presidente na sagutin ng Senado ang lahat ng gastusing may kaugnayan sa mga nasabing pagkain, inumin, at catering arrangements sa buong panahon ng paglilitis.
Sa kanyang liham, nagpahayag si Duterte ng pag-asang pagbibigyan ng Senado ang kanyang mga kahilingan habang nagpapatuloy ang impeachment trial.











