--Ads--
Nakatanggap na si Vice President Sara Duterte ng imbitasyon mula sa National Bureau of Investigation o NBI para dumalo sa isang conference kaugnay ng mga alegasyon ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr. na umano’y naghatid siya ng mga maleta ng pera sa pamilya Duterte.
Kinumpirma ito ng abogado ni VP Duterte na si Atty. Paul Lawrence Lim.
Gayunman, sinabi ni Lim na walang kalakip na kopya ng affidavit ni Gracioso sa imbitasyon mula sa NBI.
Dahil dito, hiniling umano ng kampo ni VP Duterte sa NBI ang kopya ng affidavit ni Gracioso, gayundin ang lahat ng kaugnay na dokumento, kung mayroon man.
--Ads--
Ayon kay Lim, magsasagawa ng kaukulang hakbang si Vice President Duterte matapos nilang matanggap at masuri ang mga naturang dokumento.











