--Ads--

Himingi ng tawad si Vice President Sara Duterte sa lahat ng miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) dahil paghikayat at pinakiusapan daw niya ang mga ito na iboto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang pahayag tila inihayag ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pagsisisi na sinuportahan niya si Marcos Jr bilang katandem niya noong eleksiyon

Kinondena din ni Duterte ang pang-aabuso umano ng kapulisan at sinabing hindi katanggap-tanggap ang paggamit ng dahas laban sa mga inosenteng mamamayan at mga deboto ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ang naturang pahayag ni Duterte sa nangyaring pagpasok ng nasa 2,000 pulis nitong Sabado, Agosto 24, upang isilbi ang arrest warrant ni Quiboloy at mga kapwa-akusado nito.

--Ads--

Kwinestyon din ng bise presidente kung ang pagpapatupad ba ng naturang warrant of arrest ay dahil si Quiboloy ay isang Duterte- supporter.