Sinabi ng Department of Tourism (DOT) na makatutulong ang abot-kayang tour packages upang mahikayat ang publiko na bumiyahe at mapalakas ang ekonomiya sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin.
Ayon kay DOT Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano, mahalaga ang lokal na turismo sa pagpapalakas ng mga negosyo, paglikha ng trabaho, at pagpapakita ng ganda ng mga destinasyon sa bansa.
Binigyang-diin niya sa regional travel fair na ang turismo ay mahalaga hindi lamang sa ekonomiya kundi pati sa pagpapalaganap ng kultura at pagkakaisa.
Lumahok sa tatlong araw na travel fair ang mahigit 70 exhibitors mula sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang ang mga tourism stakeholders mula sa Cordillera Administrative Region.
Samantala, ayon sa Philippine Statistics Authority, umabot sa 8.9 porsyento ang ambag ng turismo sa Gross Domestic Product ng bansa noong 2025.











