--Ads--
Iimbitahan ng Senate Blue Ribbon Committee si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na dumalo sa pagdinig kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects kapag nakabalik na ito sa Pilipinas, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Biyernes, Abril 17.
Si Co ay naaresto sa Czech Republic nitong Huwebes ng gabi.
Ayon kay Lacson, nauna nang pinadalhan ng show cause order ang dating kongresista noong Enero, kasama si Orly Guteza, matapos hindi sumipot sa imbitasyon ng komite sa pagdinig.
Dagdag pa niya, muling mabibigyan ng pagkakataon ang komite na imbitahan si Co, ngunit kinakailangan muna ng pahintulot ng korte dahil mapapasailalim ito sa legal custody ng Sandiganbayan sa oras na ma-deport siya pabalik ng Pilipinas.
--Ads--











