Kinumpirma ni Justice Secretary Fredderick Vida na wala na sa kustodiya ng Czech authorities si dating mambabatas na si Zaldy Co, at hindi na rin alam ang kanyang kinaroroonan.
Ayon kay Vida, maaaring nasa loob pa ng Schengen area si Co at tumanggi ang Czech authorities na magbigay ng detalye dahil sa mga batas sa privacy at Schengen rules.
Sinabi rin ng DOJ na ipinaalam na ang sitwasyon kay Pangulong Marcos.
Batay sa impormasyon, posibleng bumiyahe si Co sa pamamagitan ng land travel at may hawak na iba’t ibang passport, kabilang ang isang expired na dokumento.
Bagamat nakatakas sa kustodiya, kumpiyansa ang DOJ na maaari pa rin siyang maaresto dahil may umiiral na warrant of arrest laban sa kanya mula sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong flood control project.
Patuloy ang operasyon ng pamahalaan upang matunton at maibalik sa bansa si Co.











