--Ads--

Nakapagtala ng zero drowning incident ang Santiago City sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.

‎Sa panayam kay PLTCOL Saturnino Soriano, Chief ng City Community Affairs and Development Unit ng Santiago City Police Office (SCPO), sinabi niyang naging posible ito dahil sa pinaigting na pagbabantay sa mga lugar na dinarayo ng publiko.

‎Ipinaliwanag ni Soriano na tinutukan ng mga awtoridad ang mga ilog, sapa, at mga resort sa lungsod upang maiwasan ang anumang insidente ng pagkalunod.

‎Ayon pa sa kanya, ipinatupad ang mga napatunayang epektibong deployment at sistema mula sa mga nakaraang operasyon, na lalo pang pinalakas sa pamamagitan ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

--Ads--

‎Idinagdag ni Soriano na katuwang din sa operasyon ang mga barangay officials at iba pang security personnel upang masigurong may sapat na pagbabantay sa mga kritikal na lugar.

‎Dahil sa maayos na koordinasyon at maagap na aksyon ng mga kinauukulan, napanatili ang kaligtasan ng publiko sa buong lungsod sa panahon ng Semana Santa.