--Ads--

Nakatakdang ilaan ng Barangay San Isidro sa Cauayan City ang ₱200,000 pondong ipinagkaloob ng pamahalaan sa ilalim ng Bawat Barangay Makikinabang Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa educational assistance at mga proyekto ng barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ambrocio Dampulas, kagawad ng Barangay San Isidro, sinabi niyang ₱100,000 ang ilalaan sa educational assistance habang ang natitirang ₱100,000 ay gagamitin sa mga proyekto ng barangay.

Kabilang sa mga planong proyekto ang pagpapatayo ng community center na magsisilbing lugar para sa mga aktibidad ng kabataan, senior citizens at iba pang sektor ng komunidad.

Samantala, walong graduating students ang maaaring mapili para sa educational assistance na tig-₱20,000 bawat isa. Isinagawa ang bunutan sa mga kwalipikadong aplikante upang matiyak ang patas na pagpili at maiwasan ang palakasan.

--Ads--

Hinikayat naman ni Dampulas ang mga residente na bantayan ang paggamit ng pondo upang matiyak na maayos itong magagamit at tunay na mapakikinabangan ng buong barangay.