Target ng gobyerno na makolekta ang ₱3.9 bilyong charges, dues at penalties mula sa mga telecommunications company o telcos.
Ayon sa Congressional Policy and Budget Research Department o CPBRD, maaaring makatulong ang koleksyon sa pondo ng Department of Information and Communications Technology o DICT para sa mga programa nitong digital connectivity.
Batay sa Commission on Audit o COA, nasa ₱3.9 bilyon ang kailangang kolektahin ng National Telecommunications Commission o NTC mula sa mga telco na may nakabinbing kaso.
May karagdagang ₱21.8 milyon ding hindi pa nakokolekta mula sa mga provider na expired na ang prangkisa.
Samantala, humihingi ang DICT ng ₱12.53 bilyong budget para sa 2027, kabilang ang ₱8.47 bilyon para sa infrastructure projects.











