--Ads--

Umabot sa $7.21 bilyon ang kita ng Pilipinas sa eksport nitong Abril naisang paglago na 6.3% na nagmarka rin sa ika-16 na buwang sunod-sunod na pag-angat ng bansa sa kalakalan.

Ayon sa DTI, ito na ang pinakamalakas na simula ng taon para sa mga lokal na produkto sa loob ng mahigit apat na taon, kung saan pumalo na sa $29.93 bilyon ang kabuuang kita mula Enero hanggang Abril.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, mahalagang patuloy na ihanda ang mga negosyante sa mga bagong hamon sa pandaigdigang merkado.

Nanguna pa rin sa mga pinagkakitaan ang produktong electronics ($3.44 bilyon), pati na ang mga produktong mineral, makinarya, at langis ng niyog.

--Ads--