--Ads--
Naghain ng petition for bail si dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division kaugnay ng kasong plunder sa umano’y ₱7.4 bilyong kickback scheme sa mga proyekto ng gobyerno.
Kasalukuyang nakadetine si Romualdez sa Quezon City Jail matapos siyang arestuhin sa isang pribadong ospital sa San Juan City kung saan siya naka-admit dahil sa ilang iniulat na karamdaman.
Iniutos ng Sandiganbayan ang kanyang paglipat sa Philippine General Hospital para sa independent medical examination. Matapos ideklarang clinically stable at hindi nangangailangan ng hospital confinement, inilipat siya sa Quezon City Jail.
Bukod kay Romualdez, nahaharap din sa parehong kasong plunder sina dating kongresista Zaldy Co at dalawa pang akusado.
--Ads--










