--Ads--

Dadalo sa bail hearing ng Sandiganbayan Third Division ngayong Martes, Nobyembre 10, si Navotas Representative Toby Tiangco kaugnay ng kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Matatandaang una nang idinawit ni Tiangco sina Romualdez at dating House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co bilang umano’y mga mastermind sa bilyon-bilyong pisong anomalya sa mga proyekto ng flood control.

Noong nakaraang taon, sinabi rin ni Tiangco na si Romualdez ang dapat magbigay-linaw sa mga katanungan hinggil sa mga naging problema sa 2025 national budget.

Naiulat din na noong Nobyembre 24, 2024, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kina Tiangco at Romualdez. Ayon kay Tiangco, kinumpronta umano ng pangulo ang dating House Speaker kaugnay ng malawakang korapsyon sa Kongreso.

--Ads--