--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinasimulan na kahapon ng may 100 kongresista ang kanilang anim na araw na pagsusuri sa mga proyektong imprastraktura sa Hilagang Luzon.

Hanggang kahapon ay 100 mambabatas ang nagpahayag na makasama sa biyahe na inorganisa ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas at kasama rin si House speaker Pantaleon Alvarez.

Ang kanilang unang tinungo ay ang Agoo, La-union kung saan si Alvarez ang nagpanumpa sa mga bagong miyembro ng PDP-LABAN sa nabanggit na lalawigan.

Ang nasabing grupo ng mga mambabatas ay nagtungo rin sa Santiago, Ilocos Sur kung saan ang kanilang naging punong-abala ay si Deputy Speaker at Ilocos Sur Representative Eric Singson.

--Ads--

Ngayong araw ay nagtungo sila sa Laoag at dumiretso sa tahanan ni Kinatawan Fariñas.

Bukas, araw ng Sabado ay magtutungo sila dito sa Isabela, Banawe, Ifugao at lalawigan ng Quirino kung saan ang magiging punong-abala ay si Kinatawan Dakila Cua,

May nakuhang impormasyon ang Bombo Radyo Cauayan na maaaring ang pangkat ng mga kongresista ay dadaan din sa Cabagan o San Pablo sa tahanan ni Kinatawan Rodlfo Albano III.

Sa Linggo, ang grupo ay magtutungo sa Nueva Vizcaya hanggang sa Ambuclao sa Lalawigan ng Benguet at ang kanilang final destination ay sa Baguio City.

Sa Lunes ay magtutungo naman ang mga kongresista sa Lunsod ng Dagupan kung saan si Dating House Speaker Jose De Venecia ang kanilang magiging punong-abala.

Magtutungo rin sila sa Manaoag Church para dumalo sa Misa bago magtungo sa Subic, Zambales.

Sa Martes ang pangkat ay pupunta sa Bataan at Clark Pampanga.