--Ads--
Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kinakailangang personal na dumalo sa mga sesyon ng Senado si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kung nais nitong makaboto sa mga mahahalagang usapin.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat payagang makaboto sa pamamagitan ng online ang isang senador na may warrant of arrest kung hindi naman ito pisikal na naroroon sa pasilidad.
Dagdag pa ni Pang. Marcos, kung kaya naman umanong pumunta ni Dela Rosa sa Senado para bumoto sa pagpapalit ng pamunuan sa kabila ng mga banta, nararapat lamang na magpakita ito nang personal sa plenaryo upang mapanatili ang matagal nang tradisyon ng mataas na kapulungan.











