--Ads--

Nasawi ang 11 katao habang 30 iba pa ang nasugatan sa isang pagsabog sa Dera Ismail Khan sa Pakistan nitong Sabado.

Ayon sa emergency service na Rescue 1122, naganap ang pagsabog malapit sa Aman Mela sa Darazinda area ng Khyber Pakhtunkhwa province.

Agad na rumesponde ang mga rescue team at isinugod sa ospital ang mga sugatan para sa medical assistance.

Inako naman ng Tehreek-e-Taliban Pakistan ang responsibilidad sa naturang pag-atake.

--Ads--

Ang Dera Ismail Khan ay malapit sa border areas ng Pakistan at Afghanistan at ilang ulit nang nakaranas ng karahasan na kinasasangkutan ng mga Islamist militant, na madalas target ang mga pulis at security forces.

Nagpatuloy rin ngayong buwan ang mga insidente ng karahasan sa naturang distrito, kabilang ang mga pag-atakeng iniuugnay sa Pakistani Taliban.