--Ads--
Hindi bababa sa 13 Tunisian migrants ang nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang bahagi ng Tunisia habang patungo sa Italy.
Ayon kay Mostafa Abdelkebir, pinuno ng Tunisian Observatory for Human Rights, umalis ang bangka madaling-araw nitong Huwebes.
Dalawa naman ang nailigtas matapos matagpuang ilang oras nang palutang-lutang sa dagat. Kritikal umano ang kondisyon ng isa sa mga survivor.
Ang ruta sa Central Mediterranean ay kabilang sa mga pinakamapanganib na ruta ng mga migrants mula Africa at Middle East na naghahangad makarating sa Europe, kadalasan ay sakay ang mga ito sa masikip at hindi ligtas na mga bangka.
--Ads--











