--Ads--

Kinumpirma ng mga opisyal ng Ukraine na tinamaan ng malawakang missile at drone attack ang Kyiv at iba pang lugar noong Agosto 28, na nag-iwan ng 18 patay, kabilang ang apat na bata, at 48 sugatan.

Ayon sa Kyiv City Military Administration, 31 missiles at 598 drones ang inilunsad ng Russia, kung saan karamihan ay na-intercept. Malawak ang pinsala sa gusali, paaralan, at imprastruktura sa limang distrito ng Kyiv.

Tinawag ni Pangulong Volodymyr Zelenskyy ang pag-atake bilang sagot ng Russia sa panawagan ng mundo para sa diplomasya, at muling nanawagan ng mas mahigpit na international sanctions.

Nasira rin ang gusali ng EU mission sa Kyiv, na kinondena ng European leaders, sabay giit na mananatili ang kanilang suporta sa Ukraine.

--Ads--