--Ads--

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos ang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Bypass, Barangay Sta. Rita, Aurora, Isabela, bandang alas-2:05 ng madaling-araw nitong Setyembre 6, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Pipoy,” walang asawa at walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.

Pinangunahan ng intelligence operatives ng Aurora Police Station, katuwang ang PDEA Regional Office 2, ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng kabuuang 27.2 gramo ng pinaghihinalaang dried marijuana leaves with fruiting tops.

Kabilang sa nakumpiska ang 6.2 gramo ng marijuana na nagsilbing buy-bust item at 21 gramo na itinuring namang possession, na may kabuuang Standard Drug Price na ₱3,264.

--Ads--

Narekober din ang ₱1,000 buy-bust money, ₱500 personal na pera ng suspek, lighter, at isang Realme cellular phone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.