--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng pulisya ang dalawang High Value Individual at Street Level Individual Drug personality sa magkahiwalay na operasyon sa Bulanao Tabuk City at Pinukpok Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Ruff Manganip, Information Officer ng Kalinga Police Provincial Office, sinabi niya na magkahiwalay na inaresto ang dalawang suspek noong ikasiyam at ikasampu ng Hunyo, 2024.

Unang inaresto ang Street Level Individual sa Purok 5, Bulanao, Tabuk City, Kalinga matapos isagawa ang paghahalughog sa kanyang tirahan kung saan nasamsam ang labing apat na sachet ng hinihinalang shabu at isa pang sachet na naglalaman ng aabot sa tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400 at iba pang drug paraphernalia.

Sumunod na naaresto ang High Value Individual (HVI) drug personality and PDEA listed individual sa Katabbogan, Pinukpuk, Kalinga.

--Ads--

Nasamsam ng mga otoridad sa pag-iingat ng akusado ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa anim na gramo na nagkakahalaga ng P40,800, tatlong sachet na may residue ng shabu, anim na piraso ng bala ng cal. 45 na baril.

Sa kasalukuyan ay nakapiit na ang dalawa sa lock up cell ng Tabuk City Police Station bago sila maipasakamay sa kani-kanilang court of origin.