--Ads--

Image result for shooting incidentCAUAYAN CITY – Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pamamaril sa dalawang empleyado ng Pamahalaang Lokal ng San Pablo, Isabela.

Sugatan ang mga biktima na sina Pablo Giging, 67 anyos at Roberto Macapagal, kapwa empleyado ng Local Government Unit (LGU) ng San Pablo, Isabela.

Naganap ang insidente bandang 9:30 kagabi sa Barangay Minanga San Pablo.

Batay sa pagsisiyasat ng mga otoridad, lumalabas na walang habas na pinaputukan ng mga hindi pa kilalang suspek ang pamamahay ng mga biktima na nagbunga ng kanilang pagkakasugat.

--Ads--

Isinugod ang mga biktima sa Milagros District Hospital sa Cabagan, Isabela para sa kaukulang medikasyon.

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya ukol sa nasabing insidente.