--Ads--

Nasamsam ng mga tauhan ng Cauayan City Police Station ang dalawang yunit ng umano’y gambling machines (video karera/fruit games) sa isang establisimyento sa Barangay Nungnungan II, Cauayan City, Isabela nitong Lunes ng hapon, Setyembre 7, 2026.

Nagsimula ang operasyon nang mag-inspeksyon ang mga tauhan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) upang suriin ang legalidad at compliance ng mga negosyo sa nasabing gusali.

Sa ginawang pagtatanong sa bookkeeper/tax agent ng establisimyento, natuklasan na sa pitong negosyong nag-o-operate sa lugar, isa lamang ang mayroong opisyal at updated na business permit.

Habang sinusuri ang pasilidad, nadiskubre ng BPLO na ang dalawang ilegal na slot machine sa lobby area sa ibabaw ng mesa sa SHENZHEN Sy Electronic., Ltd.

--Ads--

Agad na ipinarating ang ulat sa Tactical Operations Center (TOC) ng pulisya. Pagdating ng mga awtoridad sa lugar ay nakumpirma na ilegal nga ang naturang mga machines dahilan upang kumpiskahin ang mga ito.

Isinagawa ang imbentaryo, pagmamarka, at pagkuha ng larawan sa mga nasamsam na mga kagamitan sa harapan ng mga opisyales ng barangay Minante 2.

Dinala na sa Cauayan Component City Police Station ang mga nakumpiskang slot machine para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon.