--Ads--

Hindi bababa sa 22 katao, kabilang ang mga bata, ang sugatan sa panibagong Russian airstrike sa Kharkiv, Ukraine.

Ayon kay Kharkiv Mayor Ihor Terekhov, tinamaan ng guided aerial bomb ang isang apartment building nitong Lunes ng madaling araw, na sumira sa dalawang palapag ng gusali.

Samantala, ilang bahagi rin ng Ukraine ang inatake ng Russia nitong Linggo. Sa Sumy, tatlo ang nasawi kabilang ang isang 16-anyos na babae, habang sa Odesa, isang tao ang namatay sa tinawag na massive strike sa rehiyon.

Sa Kyiv naman, ilang gusali ang napinsala at may mga residenteng nasugatan sa drone attacks.

--Ads--

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, ilang iba pang lugar kabilang ang Zaporizhia ang tinamaan din ng mga pag-atake ng Russia.