--Ads--

Binatikos ni United States President Donald Trump ang Yemen-based Houthi rebels dahil sa sunod-sunod na pag-atake sa mga paliparan sa Saudi Arabia, habang pinalawig naman ng Saudi authorities hanggang Sabado ang suspensyon ng operasyon sa King Khalid International Airport sa Riyadh.

Ayon kay Trump, labis na ang hindi magandang ikinikilos ng mga rebelde. Gayunman, hindi pa siya nagbigay ng tiyak na hakbang na gagawin ng kaniyang administrasyon bilang tugon sa mga pag-atake.

Kabilang sa mga tinarget ang King Khalid International Airport sa Riyadh at King Fahd International Airport sa Dammam. Iniulat din ang mga pag-atake sa iba pang pasilidad at imprastraktura ng Saudi Arabia.

Ayon sa mga ulat, umabot na sa hindi bababa sa 18 ang nasawi sa mga pag-atake sa paliparan sa Riyadh nitong nakaraang mga araw, habang mahigit 300 naman ang nasugatan sa pinakamapaminsalang pag-atake noong Sabado, Oktubre 10.

--Ads--

Patuloy namang iniimbestigahan ng Saudi Arabia kung bakit hindi napigilan ng kanilang air defense systems ang mga missile at drone na tumama sa paliparan. Samantala, nagpatupad din ang mga awtoridad ng mga hakbang sa seguridad, kabilang ang pagsasara ng paliparan at pagkansela o pagbabago sa mga biyahe ng eroplano.