--Ads--
Nasagip ng UAE National Guard ang 22 tripulante ng isang cargo ship matapos sumiklab ang sunog habang naglalayag ito sa Gulf of Oman.
Agad na rumesponde ang isang Coast Guard unit matapos makatanggap ng distress call mula sa mga tripulante ng barko.
Sa isinagawang rescue operation, natukoy ng mga specialized team ang kinaroroonan ng sasakyang pandagat at ligtas na nailikas ang lahat ng 22 crew members.
Pawang Arab nationals ang mga nasagip na tripulante na unang binigyan ng first aid bago ipinasa sa mga kinauukulang awtoridad.
--Ads--
Kinumpirma namang nasa stable condition ang lahat ng 22 tripulante.











