
CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtaas ng mga naaadmit sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na positibo sa COVID-19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC na 24 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang binabantayan ngayon ng mga doktor sa COVID ward ng CVMC.
Sa naturang bilang ay 16 ang mula sa Cagayan habang 8 naman ang galing sa Isabela.
Bukod sa mga kumpirmadong kaso ay mayroon din silang binabantayang suspect case na 15.
Labindalawa rito ay galing sa Cagayan at tatlo naman sa Isabela.
Sinabi ni Dr. Baggao na sa mga naadmit sa CVMC na galing sa Isabela ay may mga taga bayan ng Echague at San Isidro na malapit sa Southern Isabela Medical Center o SIMC.
Aniya, batay sa pamunuan ng naturang ospital puno na ang kanilang COVID ward kaya dinadala sa CVMC ang mga bagong nagpopositibo.




